I am crying as I Am writing this. I can still feel it in my heart, the pain...
Isasalaysay ko siya in tagalog, para mas maintindihan ng maayos.
I have this 5 years and 6th month old relationship with my boyfriend. I am going to keep his name.. Call him Sam nalang.
We started this relationship when we were young, not so young maybe, 15 years old back then..
Nag umpisa itong love story na ito as something so fresh, something I thought I could hold on forever. Akala ko siya na. No, alam ko siya na talaga ang makaka sama ko forever - hanggang pagtanda.
It was clear to both us na kami na talaga. Kahit na bata pa kami. We both made our future plans... Na magkasama. Kunwari pag mag asawa na, ganito ganyan..
Pero syempre kung paano ang buhay college. Nung una, malinaw naman... Nakapagtapos ako na siya ang boyfriend ko. Kahit na LDR. nag tiis ako kahit na gusto ko na siyang makita.
Dumating sa point na di na nagloload yung boyfriend ko. Di na nagtetext. I me message ko siya sa facebook.. Magagalit pa siya. Dahil daw disturbo ako.
Naintindihan ko, nung una. Dahil siguro mahirap mag aral which is naranasan ko din naman. Nauna kasi akong nag graduate sa boyfriend ko. Nag shift kasi siya ng course kaya siya nahuli.
After grad, napag desisyunan ko na kukuha ako ng units ng education. Gusto kong mag turo. Gusto kong gamitin sa akademya ang mga natapos ko na dalawang kurso. But then he told me, isa akong babae na hindi kayang mag provide para sa sarili ko. Di ko da wkayang gamitin yung course na natapos ko. Masakit pero desisyon ko yun. But in time, gagamitin ko siya, and I'm sure na magbubunga ito ng matamis. Pagkatamis tamis basta tamang timing lang ang kailangan.
In the meantime, tumutulong muna ako sa negosyo ng mama ko habang nag aaral muli.
Pag may dates ako na ang nagbabayad - naintindihan ko ulit, kasi nga mahirap mag ipon lalo na pag nag aaral. Madaming gastos lalo na sa handouts, prints, etc. naintindihan ko nung una.
Naintindihan ko kahit na sa loob loob ng puso ko. Salat na salat na at litaw ng dehado ako - lalo na bilang babae. Pero dahil mahal ko siya alam ko din naman na mahal niya ako, inisip ko nalang na balang araw maibabalik niya din ito sakin. Kaya nga give and take diba. Yun ang nasa isip ko.
Mahal na mahal ko siya. Kahit na sinasabi na ng mga kaibigan ko na mali ang trato niya sakin.
Dumating pa sa point na pinagmumura niya ako, pinagsasalitaan niya ako ng masama, gaya ng P.I., mamatay ka na, inutil ka, batugan, lahat na ata, kahit bobo, tanga. Tiniis ko, inisip ko galit lang siya, pagod.
But then, one day, fate slap me sa mukha - left and right ng katotohanan. Masakit pala.
I was chatting with our old friend na guy sa Facebook. Na mention niya sakin unintentionally na may ibang Facebook yung boyfriend ko. Which at first I didn't believe na may nag eexist na isang FB account. Triny kong i search sa Fb ko yung account na tinukoy niya. Ayun walang lumalabas sakin. Yun pala naka block ako doon sa account niya na iyon. Ang sakit.
I tried to comfront him. He denied, sabi niya may galit daw saknya na ibang tao at gumawa ng fake account niya. I trusted him. Kahit na hindi nako makakain ng maayos sa isang buwan na nagsinungaling siya sakin. Hindi na makatulog. Hindi na makapag isip ng tama. Nagtiwala ako saknya.
Pero may naglalaro na sa isip ko na nagsisinungaling na siya sakin. Who would do that? Hindi naman siya sikat. Kahit sa school nila, di naman siya ganun kakilala. Prro deny lang siya ng deny. Kahit n mag away na kami. Mas pipiliin pa niyang maghiwalay nalang kami kesa ayusin at pag usapan pa iyon.
Sinabi ko saknya na matatanggap ko iyon, kung saknya nga. Kaya mabuting sabihin na niya sakin. Kaso nagmatigas padin.
Until one night, we got into a fight again. Inoff niya yung cellphone niya. Ayaw niya akong maka usap at mas mabuti pang maghiwalay na lang daw kami.
I got no choice, wala akong maka usap na tao na makakaintindi sakin. I've decided to pray to God - to give it to God. Kasi hindi ko na kaya. Sobrang sakit na. Masakit na you've given all your love and efforts tapos sasayangin lang.
I prayed to God na Wala po akong makuhanan ng tamang sagot kung kanya ba yun. Kayo na po ang bahala na magbigay ng sagot. Hindi na po ako magpipilit alamin, but in time Lord, i know you have your own ways.
And there I ended my prayer with silence and faith. And then that night habang nagmumuni muni, i dont know what have gotten into me, para i message ang isang babae sa facebook. Itago natin sa name na Mik.
Tinanong ko kung may nag msg ba sakanya na Sam. Meron daw, kinilabutan ako kasi kape pray ko lang kay Lord. I didn't knew na ganoon pala kabilis basta magtiwala at ibigay mo lang sa Diyos ang iyong pasan.
May cooperation naman yung girl. Pero mas masasaktan pa pala ako sa nalaman ko na sumunod. Matagal na pala silang nagkaka and exchange ng conversations kahit sa text at facebook.
Masakit kasi nagkikita naman kami ng boyfriend ko. Binubuksan ko naman yung cp at fb niya. Binubura pala niya lahat. Kahit yung number ni Mik.
Pina send ko lahat ng screenshot ng msgs nila sakin. Okay naman kay Mik. Nalaman ko na kinahiya ako ng bf ko sa kanya. Sinabi niyang matagal na kaming break at sinabi niyang alam naman daw kais ng boyfriend ko na di kami magtatagal.
Masakit. Nag tiwala ako ng sobra skanya. Gusto pa niyang kuning yung virginity ko. Tapos ganoon pala, mabuti at nasa akin pa din ang aking perlas. At wala na akong balak ibigay skanya. Never.
Ang ginawa ko right at that moment ay nag ayos, naligo at hindi na natulog. Hinintay kong mag umaga. Pumunta ako sa bahay ng boyfriend ko at pinakita ko saknya lahat ng ebidensiya na alam ko na ang lahat ng nililihim niya sa akin.
Ang cool niya lang. Hindi naman daw niya ako niloko kasi di naman daw niya sainbi kay Mik na may gusto siya dito. Pero yung nag deny siya na gf niya ako - cheating na iyon. Matagal din silang nagkaka text. Mula april hanggang july. Apat na buwan siyang nag lihim. Na akala ko tulog na siya ng gabi tapos yun pala may katext.
Akala ko nga wala siyang load noon, yun pala meron. Hindi lang ginagamit sakin. Kundi sa ibang babae. Yun ba ang hindi panloloko. Kahit monthsary namin ay may load pala siya pero hindi ako binabati kundi katext niya lang si Mik. Yung mga oras na akala ko tulog na kaming dalawa, katext or ka chat pala niya si Mik.
Hindi ko alam kung paano ang irereact ko. Na manhid na e. Pero patuloy ko pa ding naalala ang lahat. Hindi man ako maiyak, pero alam ko sa loob loob ko may nabibiyak na masakit - yung puso ko.
Masakit pala ang magmahal ng tapat.
Totoo pala ang sinabi nilang,
Love is sacrifice...
Pero Sam, may sasabihin lang ako sayo...
Sobra sobra kitang minahal. To the point na naniwala ako sa iyo - sa lahat ng sinsabi mo. Pero di ko na alam ang nararamdaman ko ngayon, parang nawala - hindi ko alam kung yung tiwala ba o yung pagmamahal ko para sa iyo o dalawa na silang sabay na nawala. Sorry nasaktan lang ng sobra.
Sabi mo sakin di mo alam kung may patutunguhan pa ba tayo.. Ikaw ang may gawa kung bakit walang patutunguhan itong relasyon na ito.
Yan ang pinili mo, dahil yan ang gusto mong mangyari.
Maraming salamat sa lahat ng natutunan ko sa iyo. Salamat.
Salamat nang dahil sa iyo, napalapit ako sa Diyos, nalaman ko kung gaano ako kamahal ng Diyos.
Salamat Panginoon, binigyan mo ng kasagutan ang aking mga katanungan... Sa panahong impossibleng may sumagot at tumulong sakin. Salamat.
Itong kwnetong ito ay tungkol sa pagmamahal, tiwala, at pananalig sa Diyos.
Sana nakuha niyo yung gusto kong iparating sa inyo. Na ang Diyos, lagi lamang nandyan, naghihintay na lumapit ka saknya. Hinding hindi ka niya pababayaan. Gagabayan ka pa niya ng sobra sobra. Bastat manalig ka lang.
Yun lang po.